by: Julie Abinsay
Kung mundo'y dinaragsa
Ng bagyo, ng sakit, ng luhaMakangingiti ka pa ba?
Di naman halata nakatago diba?
Chorus1
Pa'no manalangin?
Kung ang dilim kapiling
Mananalig? Tuyo na ang damdamin?
Yayakapin, dama’ng hapdi at lamig...
Paano nga ba lalapit?
Pa'no madadama ang init?
Verse 2
Kahapon Ikaw ay nangako
Na ngayon, ako'y sasamahan Mo
Maging ang bukas ay hawak
Di ako iiwan, ni pababayaan man
Chorus 2
Kalakip ng dalangin
Dilim ay mapapawi
Nananalig, panatag ang damdamin
Yayakapin, sa bisig Mo walang hapdi't lamig
At Ikaw ay lumapit
Dama ang initng pag-ibig
Bridge:
Ngumiti ka pa rin
Umawit ng buong damdamin
Unos at bagyo, sakit at lungkot
Kanyang papawiin, papagaanin
Coda:
Kalakip ng dalangin
Ako'y nananalig

No comments:
Post a Comment